Birthday ko ngayon!
Thursday, October 28, 2004
Friday, October 15, 2004
the one with Jvee's autograph
sa wakas, meron narin akong autograph ng aking idol na si Jvee Casio!Ü whahahaha!!! tnx to fiona! let me tell you the whole story... nung tuesday ininvite si fiona nung ninong niya na alumni ng dlsu na kaibigan ng dad ni jvee to have dinner with them, them meaning pati yung ibang players, eh ako naman matagal ng nakaready, nung sept 30 at oct 1 pa (kaya lang hindi talaga ako makasingit kasi dami nagpapaautograph eh... puro babae pa! si japoy lang ata hinde, hehe!Ü kaya simula nun lagi ko na dala yung planner at yung pentel pen ko...) kaya humingi ako ng favor kay fiona, sabi ko dalin niya planner ko tapos pasign niya, tapos yun... pinasign nga niya! tnx talaga uli fiona!Ü kala ko nga hindi pa matutuloy kasi sabi mo sakin nung morning hindi ka sure tapos nung hapon sure naman pala!Ü hehe!Ü kaya tnx talaga ng marami!!!Ü at syempre nagpapasalamat din ako kay Jvee!!! Jvee kung nababasa mo ito, tnx talaga ng marami!!!Ü as in Thank You Very Much!!!Ü
Monday, October 11, 2004
the one when I attended la naval
Ngayon lang ako uli maguupdate ng blog, wala kasing oras eh... anyways pumunta ako sa la naval kahapon, ang saya saya! may mini reunion!Ü nafeel ko uli yung feeling na hindi ko nefeel simula nung tumuntong ako sa college, basta... unexplainable eh, iba kasi talaga kapag MSG kasama mo! I'm very happy!Ü Talagang the spirit is still there! Nung una kami lang dalawa ni Alvin, aga nga namin eh, 1pm nandun na kami pero kahit ganun kami kaaga eh kulang papala yun... kasi halos 2 hours na kami nagkekwentuhan talagang hindi magkaubusan, tapos mamaya maya dumating na si arvin at irvin, tapos yun... dumami pa ng dumami, dumating sa martin, apa, renson, martin, john d, demet, jon, mickey, michael, aldrich, dan & glaiza and other batchmates narin. Tapos nagprusiyon na... pero hangang dun eh kwentuhan parin. Buti nalang pala eh pumunta ako. Nakacatch up ako sa mga bagay bagay, as in kamustahan, tanungan kung saan na nagaaral, kung ganun pa ba cell numbers at iba pang mga bagay tungkol sa life natin ngayon... Tapos after nun kumain kami. Ganun parin ang MSG, walang pinagbago, masaya parin sila kasama, kwela, jolly, makukulit, mapangasar, palabiro, mababait, basta lahat hinahanap ko sa isang barkada in general eh nandun na! Tapos nung pauwi naman nakasabay ko na uli ang frisco boys, nakakamiss talaga kasi ngayon kapag uwian eh wala akong kasabay, walang taga frisco eh... Basta wish ko lang eh hindi tayo makalimot sa mga pinagsamahan ng isa't-isa. Miss ko na high school life lalo na MSG!
Nothing can ever replace the
memories that I had during those times...
I miss them and will always be...
Nothing can ever replace the
memories that I had during those times...
I miss them and will always be...
Subscribe to:
Posts (Atom)