Tuesday, May 03, 2005

the one with bisyo's fiesta

ininvite ako nung sunday, May 1, ni bisyo kasama pati mga ibang MSG sa bahay nila, fiesta kasi, umalis ako sa bahay ng mga 9:40, kita kita muna kasi kami nila vic, arvin, mickey, dann, demet at renson sa sm ng 10:00, nung kumpleto na eh nagikot-ikot muna kami tapos pumunta kami kina bisyo ng mga 12:00, dami nilang bisita, nahihiya tuloy ako nung una, hehe, wala nang ibang msg na dumating after namin so nine kami lahat kasama si bisyo at jerick, ang saya saya ko talaga nung araw na yun! dami pagkain! whahaha!Ü ang dami ko nga nakain eh, hehe! after namin magluch, kwentuhan na, reminisce ng mga nangyari nung high school, na sa labas kasi kami nun eh medyo mainit, kaya pumasok kami, nuod tv ng pero tuloy parin ang kwentuhan hangang magmerienda na, rice uli merienda namin, with desert din yun ah, sarap sarap talaga, para ngang hindi merienda eh, after ng merienda kwentuhan uli dun sa loob ng bahay, tapos maya maya binigayan kami ng dad ni bisyo ng vodka, melon yung flavor, first time ko nakatikim ng vodka, sarap din siya, tapos nung medyo malapit na maubos binigyan naman kami ng mom ni bisyo ng white wine, mas nasarapan ako dun! maasim at masarap amuyin! tapos nung mauubos na uli yun naglabas naman dad ni bisyo ng red wine, carlo rossi, medyo marami nainom ko nun kasi sanay na ako sa lasa nun, hehe, kala ko after nun eh uwian na, nagdinner pa uli kami dun, ndi na ganun karami nakain ko kasi busog na ako eh, naghati-hati nga kami nina dann at arvin dun sa isang slice ng cake eh, tapos after nun eh kwentuhan nanaman, grabe talaga, hindi kami nauubusan ng kwento, lahat naalala, mga classmate, barkada, teacher, kalokohan, asaran, pangasar, middle name, pangalan ng nanay, tatay, or kahit sinong kapamilya, whahaha!Ü hangang ngayon nga eh medyo natatawa parin ako, pati yung mga nangyayi nung elem eh binabalikan, tapos wala talagang nagyaya na umuwi, tinetxt at tinatawagan na nga ako ng mommy ko pero hindi parin ako umuuwi, basta sinasabi ko lang eh malapit na ako umuwi, nakakahiya naman kasi saka minsan minsan na nga lang magkasamasama eh, 11 yata kami natapos, bait ng dad ni bisyo, hinatid kami hangang munoz, tapos nung dumating ako sa bahay nagtxt si vic, hindi na ako nagrply sa kanya, tinawagan ko nalang siya, bitin kasi kung rerply lang ako sa txt saka nafeel ko nanaman yung feeling na yun, nalungkot ako kasi tapos na, naisip ko narin yun dun palang kina bisyo, lagi naman kasi ganun eh, minsan nga kahit na yung simpleng get together lang sa sm eh nalulungkot ako after, kailangan ko talaga ng makakausap para pagusapan pa uli yung mga nangyari, hehe, basta ang saya saya ko talaga nung araw na yun, iba talaga kapag MSG ang kasama! sana'y maulit muli!Ü

Wednesday, April 20, 2005

the one where i will go to school

tagal ko na pala hindi nakakapagpost dito... anyway, may pasok nanaman ako uli, start na siya today, nagenroll ako this summer para makapagaral ng java, natatakot kasi ako bumasak next term, may pasok ako ng MWF from 3PM to 6PM kaya kung may magyaya ng ganung oras eh hindi na ako makakasama pero pwede naman ako ng TTH!Ü ang maganda lang dito eh makakaipon ako uli, inubos ko kasi yung naipon ko sa pirated dvds, at makakalabas ako ng bahay, minsan kasi wala magawa dito kapag summer, cge yun lang, try ko nalang na lagi update 'tong blog.Ü