Saturday, November 27, 2004

the one when we had a field trip

maaga ako ginising ngayon, 7 kasi kailngan nasa school na... tapos siguro mga 6 eh bigla akong tinext ni noel, nagtatanong kung nasaan na daw kami, makalipas ang ilang sandali eh si carlo naman ang nagtxt at tumawag, ganun din ang tanong, akala ko tuloy eh maiiwan na ako, dumating ako sa school ng saktong 7, buti nalang mabilis yung fx na nasakyan ko. hehe!Ü pagkadating ko eh nandun sila sa labas ng bus, nagtatanungan sila kung nasaan si sir kasi mukang kulang daw upuan sa bus, "nasaan si era?", "nasaan si era?", "maruel may number ka ni era?", "nakapatay cel ni era", tapos nagulat kami kasi nandun pala si sir sa likod namin!Ü ewan ko lang kung narinig niya yung way kung paano namin siya tawagin! whahaha!Ü dumating kami sa batangas ng siguro eh mga 11:30, ang kukulit ng mga kasama ko! hehe!Ü "phil, welcome home!", "phil, ikaw yung prodigal son","katayin ang pinatabang baka, ang anak ko ay nagbalik na", "phil, saan bahay mo dito?", tapos hangang dun ba naman eh ragna parin ang nasa isip nila, medyo op ako ng konte kapag ragna ang topic pero masaya naman! nakakatuwa kasi kahit anong bagay na makita nila eh nairerelate nila sa ragna, hehe!Ü ang nakasama ko sa bahay ay si jason, noel at matthew, tapos si joshua, carlo, eichi at phil sa ibang bahay na, dun sa bahay namin... si matthew ang tagakuha ng video, tapos kaming tatlo eh tagainterview, ang kulit ni noel at jason! lagi nagaaway! hahaha!Ü natatawa nalang ako kapag bumanat na si noel ng "asa!", magasaran at magmurahan daw ba habang kinakausap yung badjau, hehe!Ü basta ang kulit nila!Ü dun naman sa kabilang bahay eh naging bakla si phil, bakla ata pakilala ni carlo sa kanya!Ü whahaha!Ü tapos nung pauwi na eh kami ang nauna sa bus, pano kasi mga pasaway, wag na daw namin intayin yung iba para makakuha ng magandang upuan, saka memorize daw nila daan eh, hehe!Ü pero before kami makadating sa bus eh nagstopover muna, stop-over muna sa bushes kasi wiwi daw sila, to be one with nature daw, tanungin niyo si eichi, siya talaga yung naging one with nature eh, whahaha!Ü natatawa parin ako hangang ngayon!Ü basta to sum it up eh napakasayang experience nito para sakin, naexpose ako sa mga indigeneous people na tulad ng badjau at saka nakasama ko si eichi and the rotc boys!Ü ang saya kasama nitong mga tao na 'to!Ü

0 comments: